Cherrilyn Mercado : Business Information Management Student (Undergraduate)
Accumulated Earnings : P600,000++ (as of Dec 2011) Vmobile Team Titans Member Since April 2011
Ako po si Cherrilyn Mercado, 23 y/o from Valenzuela city .. ako po ay undergraduate ng college sa kursong "Business Information Management", hindi ako nakapagtapos dahil sa kakulangan ng budget ng aking magulang para sa aking pagaaral, nalulungkot po ako dahil Hindi po ako nakapagtapos ng pagaaral, pero ganun paman wala naman po akong magawa dahil yun Lang po ang nakayanan ng aking mga magulang para sa aking pagaaral kaya umisip po ako ng paraan na kahit Hindi man po ako nakatapos ng aking pagaaral ay makatulong naman po ako sa kahit anomang paraan kaya ang ginawa ko po ay nagtrabaho po ako bilang kasambahay, nag babysitter din po ako at nagtrabaho din po ako sa factory, ang nakakatuwa pa nun naranasan kong mangalakal, tiniis ko ang hirap dahil ako lang ang inaasahan ng family ko , pinagkakasya ko ang sahod ko sa halagang 800-1500 isang linggo, kaya ko po nagawa yon dahil ayoko lang din kase na maging pabigat sa parents ko kaya kahit anu pinapasukan ko nun basta may makain lang kami ng tatlong beses sa isang araw, naranasan ko na din na maliitin kami ng ibang tao. Sobrang hirap makahanap ng trabaho dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pagaaral..
Dumating sa point na nakita ng boyfriend ko na si Rizaldy Balatayo sa fb ng fren nya yung "Hi Friend" video ni sir Ramil Michael Aznar , noong march 2011 sinabi sakin ng boyfriend ko na gusto nya ung vmobile. Nung una ayoko talaga kase hindi naman ako mahilig sa mga networking (actually di ko alam ang networking first time ko lang dito s vmobile) , Hindi naman kasi ako business minded at wala talaga kong balak. Etong boyfriend ko di ko alam pumunta na pala ng office sa ortigas, sa Galleria Corporate Center para mag seminar, then sinabi nya sakin na attend daw kami para maintindihan ko din daw yung business. Binigay nya sakin yung contact number ni sir Ramil para magkita kami at i-aassist na rin, habang nagseseminar kami di ko alam kung bakit parang dumadating sa point na nagugustuhan ko na yung business, dahil produkto palang gnagamit ko na hindi pa ko member! Nung nagpunta na kami dun sa office dapat mag avail na kami ng boyfriend ko ng single package pero dahil kailangan pala ng sponsor di kami natuloy, ayaw nman ng boyfriend ko sa iba para makapagregister na kami.. (Hehe loyal!) Eto pa ang matindi dun naisipan ng boyfriend ko mag-tripack nalng pero pang single lang yung budget namin, ang ginawa nya may cellphone kase yung boyfriend ko na Galaxy S worth 20k n kabibili nya lng, 17 days palang din sa kanya. Naisipan ba namang ibenta "oh no!". Pagkauwi namin naghanap agad siya ng buyer may nagkainterest naman, nabenta nya lang ng 9k Grabe nainis talaga ko nun haha. Sabi nya huwag daw akong magalala babalik daw yun, at mas marami pang kapalit,..(pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan). Napaisip din ako nun na sige na nga walang mawawala kung susubukan.
April 06,2011 nagbalik kami sa office at nagkita din kami ni sir Ramil, nag-avail kami ng tripack package at nakapag start nadin sa business actually nung una di ko alam kung pano naamin sisimulan, ang alam kase talaga namin is mag load-load lang. Enjoy na enjoy ako sa loading nun, 1 month din ako nag focus dun, syempre mas gusto ko kumita ng mas malaki. One time nakapagchat kami ni sir ramil humingi ako ng advice kung paano ba talaga ang kitaan, sinunod lang namin yung advice nya na i-share yung business sa ibang tao na nangangailangan din ng pagkakakitaan tulad ko, pinagaralan namin yung business na dapat yun talaga ang una mong gagawin. Una nag share ako sa mga malalapit sakin, may nagtiwala at meron ding binaliwala ka lang. Totoo talaga na ibang tao muna yung maniniwala sayo bago yung mga mahal mo sa buhay, my times na dami ko naririnig na hindi maganda tulad ng scam nga daw to si vmobile at baka daw niloloko ko sila, wala naman daw silang mapapala dito, pagtawanan at mag mukang tanga, wala na daw sila tiwala sa mga networking sa panahon ngayon. Pati parents ko imbis na suportahan ako lalo pa kong dinadown, buti nalang nanjan si Zhaldy sa tabi ko na nagpapalakas ng loob ko. Mas lalo ko nilakasan ang loob ko at hindi ako nagpadala sa mga sabi sabi lang. Thanks naman naging successful .. Sabi nmin umpisa na to, pa isa isa nang may nagiinquire nakakatuwa, ang sarap sa pakiramdam tinuloy tuloy lang nmin at wala ng makakapigil pa!